Una sa Balita

Oranza, Navy ayaw pakampante

0 317

DINOMINA ng Standard Insu­rance-Navy ang Stage 4 at 5 ng LBC Ronda Pilipinas 2020.

Parehong dumating ng 1,2,3 finish kaya naman umalagwa sila sa tuktok ng overall team classification.

Nakalikom na ang Navy ng 71 oras, 36 minuto at 57 segundo, may 23 minuto at 40 segundong lamang sa mahigpit nilang karibal na 7-Eleven Cliqq-Air21 by Roadbike Philippines.

Ayon kay 2018 champion Ronald­ Oranza, hindi pa sigurado na makukuha nila ng overall team classification dahil nasa kalahati pa lang sila ng bakbakan.

“Depende sa condition iyan, hindi pa natin masabi, ang 7-Eleven­ ilang araw ding nagtrabaho mga iyan,” saad ni Oranza na ganadong pumadyak dahil tatlong buwang buntis ang kanyang asawa. “Basta sisikapin namin na mapanatili ang No. 1 sa team at siyempre sa individual.”

Ngayong araw pakakawalan ang 111.9km Tarlac-Tarlac stage 6 sa event na suportado ng LBC at inisponsoran ng Manny V. Pangi­linan Sports Foundation.
Katuwang din ang Versa, 8A Performance, Print2Go, Petron, Green Planet, Bike Xtreme, Standard Insurance, Spyder, CCN, Lightwater, Prolite, Guerciotti, Black Mamba, Boy Kanin, Vitamin Boost, NLEX-SCTEX, Maynilad, 3Q Sports Event Management Inc., LBC Foundation at PhilCycling. (Elech Dawa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More