Una sa Balita

Oranza, Morales pambato ng SI-Navy sa Ronda ‘Pinas

0 253

SISIKAPIN ng Standard Insurance-Navy na manatili ang tikas sa padyakan kaya sasandalan sina former champions Ronald Oranza at Jan Paul Morales sa LBC Ronda Pilipinas 10th anniversary race 2020 na magsisimula sa February 23 sa Sorsogon at magtatapos sa March 4 sa Vigan, Ilocos Sur.

Kampeon si Oranza noong 2018 habang inangkin ni Morales ang korona noong 2016 at 2017 kaya markado ang Navymen sa pinakama­laking cycling race sa bansa.

Makakatuwang nina Oranza at Morales sina bikathon consistent top 10 finishers El Joshua Carino, George Oconer, Ronald Lomotos, John Mark Camingao at many-time King of the Mountain winner Junrey Navara. Si newbie Lance Allen Benito ang pang-walong miyembro ng team.

“We will just try to live up to what is expected of us, which is to win,” saad ni SI-Navy coach Reinhard Gorantes. Pero aminado siya na mahirap ang laban ngayong taon dahil kasali ang nagbabalik na 7Eleven Cliqq-Air21 by Roadbike Philippines na naghari sa team event may pitong taon na ang nakalilipas.

Nakopo ni Mark Galedo, ang titulo noong 2012, pinangungunahan ang nasabing team na may malulupit na veterans katulad nina Marcelo Felipe at Rustom Lim.

Sasalang ding muli si ageless rider Santy Barnachea na kuminang sa inaugural staging ng karera noong 2011 at 2015. Gagabayan ni Barnachea ang mga batang kakampi sa Scratch It squad habang si 2014 winner Reimon Lapaza ay papadyak para sa Celeste Cycles-PH-Devel Project Pro Team.

“There are a lot of team this year who are capable of beating us, 7Eleven is one of them,” panapos ni Gorantes.

Ang ibang teams na kasali sa 10-stage race na prinisenta ng LBC at suportado ng Manny V. Pangilinan Sports Foundation, ay ang Go for Gold, Bicycology (Army), Bike Xtreme, Tarlac/Central Luzon, Ilocos Sur, South Luzon/Batangas at Nueva Ecija.

Sumuporta rin sa nasabing karera ang Versa, 8A Performance, Print2Go, Petron, Green Planet, Bike Xtreme, Standard Insurance, CCN, Lightwater, Prolite, Guerciotti, Black Mamba, Boy Kanin, Vitamin Boost, NLEX/SCTEX, Maynilad, 3Q Sports Event Management Inc., LBC Foundation at PhilCycling. (Elech Dawa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More