Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Orange warning itinaas sa Mindoro

0 128

Itinaas kahapon ang orange rainfall warning sa bahagi ng Oriental Mindoro bunsod na rin ng inaasahang matinding pag-ulan na mararanasan dahil sa low pressure area (LPA).

Una ng sinabi ng PAGASA na ang LPA ay embedded sa Intertropical Convergence Zone na makakaapekto sa Southern Luzon, Visayas at Mindanao.

Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) alas-8:00 ng umaga kahapon nang ilabas ang nasabing warning.

Sa ilalim ng orange warning, matinding pag-ulan ang mararanasan sa loob ng isang oras at maaaring magpapatuloy ito sa loob ng dalawang oras.

“Flooding in low lying areas and near river channels and Landslide in landslide prone areas are threatening,” pahayag ng PAGASA.

Agad namang inabusan ang publiko ng weather bureau at ng disaster risk reduction and management offices na magsagawa na ng kaukulang aksiyon, maghanda at i-monitor ang weather condition.

Leave A Reply

Your email address will not be published.