Una sa Balita

Oposisyon sa Senado, posibleng mapunta sa mayorya?

0 972

Kahit pa mayor­ya ng mga Senador o 14 na ang pumirma sa Reso­lusyon ng pagsuporta Kay Senate President Vicente Sotto ay maaring magkaroon pa rin ng malaking pagbabago.

Pero sa 14 na senador na lumagda sa resolusyon ng pagsuporta kay Sotto ay ilan dito ang papaalis na ng Senado.

Kaya naman batay sa ating pag-aanalisa ay may posibilidad na ang kasalukuyang nasa oposisyon na mula sa Liberal Party ay biglaang pamunta sa mayorya.

Naunang nagpahayag ang minorya ng Senado na kuntento sila sa pamumuno ni Sotto bilang Pangulo ng Senado.

Kung ating mata­tandaan ay naging matatag si Sotto na pangalagaan ang kapakanan ng mga kapwa senador.

Isang halimbawa dito ay sa kaso ni Sena­tor Antonio Trillanes na hindi pinayagan ni Sotto na basta na lang ito a­restuhin kung walang kaukulang warrant of arrest mula sa korte.

Nanindigan din ang Senado sa pamumuno ni Sotto na huwag agad palusutin ang panukalang 2019 National budget dahil sa mga isiningit na pondo ng mga kong­resista.

Samantala, balikan natin ang usapin sa posibleng malaking pagbabago sa Senado.

Kung sakaling magpilit ang mga baguhang senador na palitan si Sotto bilang Pangulo ng Senado pero biglang sumuporta ang kasaluku­yang oposisyon na LP ay maaring ang lumabas na oposisyon sa Senado ay ang mga bagitong senador.

Gayunman, aba­ngan natin ang mga kaganapan sa liderato ng Senado at kung talagang magpipilit ang mga neophyte senator na kunin ang chairmanship ng malalaking komite sa pamamagitan ng pagpapalit ng Pangulo ng Senado.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy