Una sa Balita

Oportunidad at trabaho hatid ng SEA Games

0 477

Malaking biyaya po para sa marami nating mga kababayan ang pagdaraos sa bansa ng 30th Southeast Asian Games (SEA Games), ang ikaapat na beses na host ng palaro ang Pilipinas.

Noong Sabado, saksi po tayo sa maringal na opening ceremonies ng SEA Games sa Philippine Arena, ang pinakama­laking indoor stadium ngayon sa buong mundo, na matatagpuan sa ating minamahal na bayan ng Bocaue, Bulacan.

Bagama’t nakatuon ang atensyon ng lahat sa iba’t ibang mga sport at sa mga inaasam-asam na mga gintong medalya, marami rin pong nalilikhang oportunidad at trabaho para sa mga Pilipino ang pagdaraos ng biennial regional multi-sport event na ito sa bansa.

Mahigit 8,000 mga atleta at opisyal mula sa 11 bansa sa Southeast Asia ang nakakalat nga­yon sa Clark, Subic, La Union, Bulacan, Laguna, Cavite, Batangas, at Metro Manila na kabilang sa 53 sports na binubuo ng 530 events.

Bukod sa exposure sa mga international guest, tumaas din ang occupancy rate ng mga hotel malapit sa pagdarausan ng mga laro. Ilang mga hotel supervisor po ang nagsabi na umakyat ng mahigit 50% ang kanilang mga bisita noong nakaraang buwan bago pormal na magsimula ang mga laro ngayong linggo.

Dahil naikalat sa iba’t ibang lugar ang sports hub ng SEA Games, marami ring mga negos­yo ang nakikinabang ngayon lalo na ang mga nasa sektor ng turismo at transportasyon. Pagkakataon po ito para maipamalas natin sa mga dayuhan ang magagandang mga destinasyon na maaari nilang balik-balikan sa Pilipinas.

Sa kasagsagan ng konstruksiyon at rehabilitas­yon ng mga pasilidad na ginagamit ngayon sa SEA Games, maraming mga construction worker, painter, at iba pang mga laborer ang nabigyan din ng trabaho. Tiyak na mangangailangan din po ng mga dagdag na empleyado at manggagawa para sa maintenance ng mga bagong pasilidad lalo na sa New Clark City Sports Complex.

Ayon sa DOLE, construction at manufactu­ring ang mga top employment gainer kaugnay ng ginagawang hosting ng Pilipinas ng SEA Games. Kasama rin po sa listahan ang food and accommodation, public administration at security.

Kung tutuusin, trabaho rin po ang pagi­ging atleta at tiyak na magbubukas ang SEA Games ng mas malala­king oportunidad para umangat ang ating mga pambansang atleta sa kanilang karera.

Dahil sa tagumpay ng SEA Games sa bansa, mas lalakas pa ngayon ang tiyansa nating maging host ng iba pang malalaking sports competition tulad ng FIBA World Cup 2023 at Asian Games 2030. Kapag nangyari ito, magpapatuloy po ang pag-usbong ng mga negosyo, trabaho at oportunidad na magpapalakas ng ating ekonomiya.

Mabuhay ang SEA Games 2019! Mabuhay ang mga atletang Pilipino!

Job Fair Schedule:

86th DOLE Anniversary and 31st PESO-CDO Job Fair—Centrio Ayala Mall, Lapasan Hi-Way, Cagayan de Oro City—December 2

Mega Job Fair in Partnership with the Presidential Commission for the Urban Poor—NCCC Mall Buhangin, Davao City—December 4

Pangasinan Job Fair—Pangasinan PESO, Capitol Complex—Lingayen, Pangasinan—December 5

86th DOLE Anniversary Jobs and Business Fair—Galleria of the South, Robinsons Mall—San Pedro, Laguna—December 5

San Mariano Job Fair—ISU-San Mariano, Isabela—December 6

senatorjoelvillanueva@yahoo.com

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy