Una sa Balita

Oplan: Undas kasado na

By
0 57

Nakatakda na sa Okture 27 ang panimula ng Oplan: Undas ngunit bago pa man dumating ang nasabing petsa ay sinisimulan na ng pamunuan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang pagha­handa para sa paggunita ng Undas ngayon taon.

Ayon kay MMDA Gen. Manager Jojo Garcia, kasado na ang Task Force Special Operations na kung saan ay nakatalaga para sa pag­lilinis ng mga kalsada patungo sa mga sementeryo at memo­rial park sa Manila North sa Maynila, Manila South sa Makati City, Loyola Memorial Park sa Marikina City, Bagbag Public Cemetery sa Quezon City, at Manila Memorial Park sa Parañaque City.

Kabilang na rito ang magpapakalat ng nasa 2,000 traffic personnel na aasiste sa mga motorista para sa daloy ng trapiko.

Abante Hiring – IT dep

Nakatalaga naman sa mga local government unit (LGU) ang pag­lilinis ng mga sementeryo sa kanilang nasasakupang lugar.

Samantala, suspendido na rin ang number coding scheme sa Nobyembre 1 at 2 na idineklarang non-wor­king holidays.