Una sa Balita

Oplan ‘Pabagsakin si Alden’ katawa-tawa

By
0 2,712

Walang duda na on top pa rin si Alden Richards. Aba, kung ang pagbabasehan na lang ay ang halos araw-araw na lang yatang kung ano-anong paninira sa aktor, e, si Alden na talaga ang pinakamaingay.

Ang daming fake news na ginagawa para sirain o pabagsakin ang actor. Ngayon naman, pati fan niya na nagsisimula pa lang siya ay supportive na sa kanya, ginagawan din ng isyu, pati ibang solid fan ni Alden.

Nakakatawa yung isyu na mariing pinabulaanan ng fan mismo. Ang daming imbentong isyu na ginagawa kay Alden, in short, fake news.

Pero mukhang nasanay o na-immune na si Alden sa mga ganitong propaganda sa kanya. Alam na rin niya kung ano ang dapat patulan o sagutin at dedmahin na lang.

Anyway, ayon kay Alden, walang isyu at all at walang kahit katiting na bahid ng katotohanan yung paninira sa mga fan niya at maging sa personal manager niya na si Carlites de Guzman. And of course, ang GMAAC na siyang talent management niya at siyang nangangalaga ng career niya.

Kahit pilit binabagsak ng iba, umaani pa rin naman ng pagka-positibo si Alden. Bukod sa recent charity event niya (na ayaw ipasulat, huh!), hayan at beso-beso siya sa ibang Kapamilya stars nang tanggapin niya ang pagiging Male Recording Artist of the Year ng GMMSF 49th Box Office Entertainment Awards.

Gabbi, Khalil tinatago ang relasyon

Hindi na kami magugulat kung one of these days, masasagot na nina Gabbi Garcia at kung ano nga ba sila sa isa’t isa. Matagal na silang nali-link at kahit ang mga sagot nila sa tanong na sila naman ay magkaibigan o barkada lang sila, hindi talaga yun ang nakikita sa kanila ng netizens, lalo na ng mga fan nila na halos kabisado na yata ang mga galaw nila.

Recently lang, hindi man nag-reply si Gabbi sa comment ni Khalil sa Instagram post niya na yung pinost niyang solo picture niya sa IG ay shot by Khalil daw, e, si Khalil din naman pala, may comment si Gabbi sa IG nito na halos same comment ni Khalil. Nagpapa-acknowledge rin si Gabbi na shot naman niya ang pinost ng rumored boyfriend.

And in fairness ha, when all the while we thought na solid GabRu ang mga fan, e, ang dami na rin kinikilig with Gabbi and Khalil. Na we all know, from Kapuso at Kapamilya.

Di kaya tila mas visible na magkasama sina Khalil at Gabbi ngayon dahil may rumored girlfriend na rin si Ruru Madrid? (Rose Garcia)