Una sa Balita

Opisyal umebak sa pantalon

0 828

NATATAWA na lang ang isang opisyal ng gobyerno kapag naaalala ang ginawa niyang pagkakalat sa pagbisita sa Mindanao.

Kuwento niya, kumulo ang kanyang tiyan dahil sa dami ng kinaing almusal sa Cagayan de Oro City hotel.

Dahil nasa ground floor ang restaurant, kinailangan pa nitong umakyat sa 8th floor ng hotel kung saan matatagpuan ang kanyang kuwarto.

Subalit hindi na ito umabot ng kuwarto dahil sa hallway pa lamang ay lumabas na ang kanyang dumi.

Kaya pagkatapos niyang umebak sa comfort room, naglaba naman ito ng kanyang pantalon dahil kumalat dito ang dumi.

Ang masaklap nito, naiwan na siya ng sasakyang patungo ng Iligan City kaya’t nagpahinga na lang ito sa hotel at uminon ng diatabs.

Pintahan niyo na. Ang opisyal na umebak sa pantalon ay kilalang sanggang dikit ng mambabatas na may letrang A sa pangalan.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy