Una sa Balita

Opisyal ng Senado nagpalibre sa Tate

By
0 4,847

Kahit umaapaw sa laki ang suweldo ng isang opisyal ng Senado, nagawa pa rin daw nitong humirit sa isang kom­panya ng sigarilyo na magpalibre sa kanyang biyahe sa Amerika.

Sa nakuhang impormasyon ng petmalung spy na si Mang Teban, nagbakasyon daw ang opisyal bitbit ang kanyang pamilya sa lupain ni Uncle Sam.

Dahil sa mahal ang bayad sa hotel accommodation, aba’y kinontak daw ng opisyal, bansagan na lang na­ting ‘DG’, ang asset nito sa kompanya ng sigarily­o upang sagutin ang gastusin sa hotel accommodation na agad naman daw pinagbigyan.

Alam kaya ito ni Senate President Tito Sotto? Tiyak na mabubulaga ito kapag nakarating ito sa kanyang impormasyon at baka makastigo pa niya ang opisyal.

Aba’y puwede kasi siyang ireklamo sa Office of the Ombudsman, isang bagay na magi­ging mantsa sa imahen ng Senado.

Pintahan niyo na. Ang opisyal ay namumuno sa isang tanggapan sa Senado at naging instrumento sa pagpapatibay ng panukalang batas na nagpahirap sa taumbayan.