Una sa Balita

Opisyal ng Senado lumaki ang ulo sa nakuhang puwesto

By
0 1,264

Simula nang makuha ang puwesto sa Senado, lumaki na raw ang ulo ng isang opisyal ng kapulungan.

Sa nasagap na impormasyon ni Mang Teban, kinaiinisan na raw nga­yon ang nasabing opisyal dahil hindi na marunong lumingon sa pinanggalingan.

Kahit na raw ang taong nagrekomenda sa kanya sa trabaho, aba’y hindi na kilala dahil ibang senador daw ang tumulong sa kanya sa nasabing puwesto.

Ang classic nito, kahit lumaki na ang kanyang ulo, wala pa rin siyang pride matapos na mag-solicit ng pondo bilang pambayad sa tinuluyang hotel sa Amerika.

Ginamit daw kasi ng opisyalNang kanyang posisyon upang bakalan ang isang kompan­ya ng sigarilyo na sagutin ang hotel accommodation niya sa Tate, kung saan nagbakasyon siya kasama ang kanyang pamilya.

Pintahan nyo na. Ang opisyal ng Senado na lumaki ang ulo, subalit nakidukot ng bulsa ng ibang tao, ay binansagan na “DG.”