Una sa Balita

Opisyal ng DOJ pinulong ni Secretary Guevarra

By
0 1,598

NAGSIMULA na sa trabaho sa Department of Justice (DOJ) ang bagong kalihim ng kagawaran na si Secretary Menardo Guevarra.

Kahapon ng umaga, pinulong na ni Guevarra ang mga opisyal sa DOJ.

Sinabi ni Guevarra na nais niyang maging pamilyar sa iba’t ibang mga mandato ng DOJ bilang abogado at pati na rin sa organisasyon ng ­kagawaran.

Sa pamamagitan nito ay malalaman din umano niya kung mangangaila­ngan ng dagdag na mga tao.

“First order of business to familiarize myself with the various functions of the DOJ as a lawyer. I know that I need to know the nitty gritty of the DOJ. basically to know the key people here. To determine for myself if there is a need to make new ­recruits, to introduce new people to help me out in the DOJ. So basically organizational muna,” ani Guevarra.

Pinahintulutan din umano siya ni Pangulong Duterte na palitan ang mga tao sa kagawaran na sangkot sa mga maling gawain.

“He gave me a free hand to replace people, to bring his honor to the Department of Justice,” saad ni Guevarra.
Sinabihan din umano siya ng Pangulo na hindi ito makikialam sa paraan niya ng pagpapatakbo sa kagawaran.

“He (Duterte) expressly stated he would not interfere in any way in the discharge of my functions as secretary of justice,” dagdag ni Guevarra.

Dahil dito, madidismaya umano maging ang mga kaanak o mga malalapit kay Pangulong Duterte na hihingi ng pabor sa kanya.

Malinaw daw kasi ang bilin ng Pangulo na huwag pagbigyan ang mga kamag-anak niya na hihingi ng pabor sa DOJ.

“Sabi niya ‘pag meron lumapit sa akin na kamag-anak niya asking for any favor (The President told if any relatives approached asking for favors), consider it denied,” pagbibigay-diin ng bagong kalihim.