Una sa Balita

Opisyal ng DOH pabor sa medical marijuana

0 427

NANINIWALA ang isang opisyal ng Department of Health (DOH)-CALABARZON (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon) sa paggamit sa marijuana bilang alternatibong gamot.

Sa panayam ng Abante kay DOH-CALABARZON Regional Director Eduardo Janairo, sinabi na ang marijuana ay ginagamit noon pa man bilang gamot sa ubo, hika o kombulsyon

Gayunman, nagbabala si Janiaro na dapat munang i-set ang kontrol ng paggamit, kung paano ito gamitin at hindi naman kailangang kaagad paka­walan ang paggamit nito.

“Ang mahirap kasi, inaabuso ang paggamit at yun ang role ng society na dapat bantayan, paano ito gamitin at huwag abusuhin,” ayon sa opisyal.

Paliwanag pa nito na hindi ginagamit ang buong marijuana dahil ini-extract muna ang dahon nito.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy