Una sa Balita

Opisyal nahuling nagsusugal sa casino

0 389

BUBWIT NI DEO
DEO MACALMA

Alam n’yo bang nahuli ang isang opis­yal ng gobyerno sa kanyang masamang bisyo na magbabad sa casino, bagay na mahigpit na ipinagbabawal sa batas at ng Malacañang.

Naku sir lagot kayo sa Dep’t. of Interior & Local Government at sa Palasyo na allergic sa mga opisyal na may bisyong sugal.

Ayon sa aking bubwit, nahuli si local official ng CCTV camera ng isang casino sa Parañaque City na dibdiban ang pagsusugal noong June 23, Linggo.

Ang alam ko ‘yung batas at direktiba ng Malacañang na bawal magsugal sa casino ang sinumang opisyal ay hindi namimili kahit day off ng opisyal.

Ikaw sir ah bad ‘yan lalo na kung nakikita ka ng mga taong iisipin na baka hindi mo sari­ling pera ang sinusunog mo sa bisyo mong sugal sa casino. Mga pare at mare ang dami nang nasirang buhay at pamil­ya dahil sa pagkalulong sa sugal na nagsimula lang sa paglilibang pero luma­lim nang husto hanggang sa nawasak na ang buhay at kinabukasan damay pati ang kanilang asawa’t mga anak. Pero mater­yales ‘yan sa iba pang bubwit hehe.

Ang opisyal na nahuli ng CCTV camera na sarap na sarap magbabad sa casino ay city mayor na hindi lang basta slot machine ang hilig sa malaking sugalan kundi sugal sa mesa, eh sa casino ‘di ba ito ‘yung pang malakasan, ‘yung pang bigtime ika nga, ganun si yorme.

Ingat ka sir baka magaya ka kay lady official na nakuhanan ng litratong nakasalampak at nakataas pa ang paa sa slot machine na dahil sa litratong ‘yun ay biglang naglaho sa puwesto si ma’am.

Ayon sa aking bubwit, ang city mayor na nagsusugal sa casino ay City Mayor na Barako, taga-Batangas, kilala ni Ate Vi. S’ya si Mayor S.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy