Una sa Balita

Opisyal nagbitbit ng pamilya sa lakad ni Duterte

0 634

KUNG pakapalan ng mukha ang labanan, wala na yatang makakatalo sa isang opisyal ng gobyerno.

Sa isang speaking engagement kasi ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Visayas, aba’y binitbit nitong opisyal ng Palasyo ang kanyang pamilya as in isinabay ang kanilang outing sa lakad ng pangulo.

Ayon sa nakalap ng impormasyon ni Mang Teban, hindi lang isa kundi limang miyembro pa ng pamilya ang isinama ng opisyal na ito nang dumalo ang pangulo sa isang pagtitipon sa Cebu.

Nag-check in umano sa five-star hotel ang pamilya ng opisyal at kinarga ang bayarin sa kanyang tanggapan, gayundin ang airfare ng mga ito. And take note, sandamakmak na pasalubong din ang bitbit ng mga ito pag-uwi.

Pintahan niyo na. Ang opisyal na ito ay babae at may letrang K sa kanyang apelyido as in ‘kapal’ ng face.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More