Una sa Balita

Opisyal nag-beast mode sa Senado

0 494

DISMAYADO ang ilang kawani ng Senado sa isang opisyal ng ahensiya ng gobyerno dahil sa ginawang pagsusungit nito sa ilan taong nakasabay niyang sumakay sa elevator.

Ayon sa nakalap ng impormasyon ni Mang Teban, hindi akalain ng mga tao na masama pala ang ugali ng opisyal na ito dahil nagawa nitong magbitaw ng mga ‘bad word’ sa ilang kawani na nakasagi sa kanya habang papasok ng elavator.
Ang kuwento, katatapos lang ng hearing sa Senado at pasakay na ng elevator ang opisyal na ito bigla siyang nasagi ng ilang staff ng senador.

Nag-sorry naman ang mga staff ng senador sa opisyal na ito subalit nag-beast mode umano ang mukha ng opisyal at nagbitaw ng katagang ‘shit’ sa mga ito.

Nagalit daw kasi ang opisyal dahil natapakan ng staff ang paa ng opis­yal na ito na paika-ika ang lakad noong oras na iyon.

Para makaiwas sa pagsusungit ng opisyal, hindi na sumabay ang mga staff sa elevator at gumamit na lang hagdan patungo sa kanilang opisina. Sino siya?
Clue: Matapang ang personalidad ng babaeng opisyal na ang tanggapan o ahensiyang kinaaniban ay matatagpuan sa Maynila. May letrang N sa kanyang pangalan as in ‘nagger’ si Mam.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy