Una sa Balita

Opisyal mahilig kumuha ng sangkaterbang consultant

0 528

MAHILIG daw kumuha ng sangkaterbang consultant ang isang opis­yal ng gobyerno.

Sa info ni Mang Teban, dati itong ginawa ng opisyal noong nakaraang administrasyon kung saan kumuha siya ng 20 consultant at 10 assistant secretary.

Nang malaman ang kanyang ginawa, sinibak ang opisyal at nadamay pa ang kalihim na kanyang pinagsisilbihan.

Nakakuha ng bagong puwesto ang opisyal sa Duterte administration at tulad ng dati, kumuha na naman siya ng sangka­tutak na consultant.

Ang problema, mukhang 15/30 lang ang marami sa kanyang mga consultant kaya’t palpak ang mga proyekto nito.

Pintahan niyo na. Ang opisyal ay sanggang dikit ngayon ng isang maimpluwensiyang mambabatas at may letrang D sa kanyang pangalan.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy