Una sa Balita

Opisyal kahawig ng dating child star sa FB live

0 562

Sino daw itong opisyal ng gobyerno ang naging kamukha ng dating child star sa kanyang Facebook live?

Nakarating sa impormasyon ni Mang Teban ang nakatutuwang video ng opisyal.

Kuha ang video sa labas ng bahay kaya umusli ang mga kulot nitong buhok dulot ng malakas na hangin.

At dahil nakasuot lang ng t-shirt ang opisyal, naging kahawig tuloy siya ng dating child star na sumikat sa linyang “takot ako!” sa pelikula.

Eh paano naman kasi, tisoy itong opisyal ng gobyerno habang tisay naman ang dating child star.

Pintahan nyo na. Ang opisyal na naging kahawig ng dating child star sa FB live ay may letrang A sa kanyang pangalan as in Alam nyo na ang name niya.

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More