Una sa Balita

Opisyal iniimbestigahan sa mga junket

0 454

Iniimbestigahan daw ngayon ang isang opisyal ng gobyerno dahil sa malimit nitong pagbiyahe sa abroad.

Nakarating sa impormasyon ni Mang Teban na bagama’t konektado sa kanyang trabaho ang pangingibang-bansa, malaking oras daw ang ginugugol ng opisyal sa mga lakwatsa.

Malakas daw ang loob ng opisyal na mangibang-bansa dahil may padrino itong mambabatas na malapit sa kusino ng Malacañang.

Pero sa kabila ng koneksyong ito, isinalang pa rin siya sa lifestyle check dahil mukhang winawaldas nito ang pondong ipinagkatiwala sa kanya ng gobyerno at ng taumba­yan.

Madalas daw puntahan ng hitad ang mga bansa sa Europa lalo na sa Italya at España.

Pintahan niyo na. Ang government official na iniimbes­tigahan sa paglalakwatsa sa abroad ay dating nagtrabaho sa mambabatas. May letrang T sa kanyang pangalan as in travel.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy