Una sa Balita

Opisyal atat sa mikropono

By
0 201

NAPAGHAHALATA ang pagiging atat sa publisi­dad ng isang opisyal ng gobyerno dahil sa ura-urada itong nagpatawag ng press conference kahit wala sa schedule.

Ora de peligro na kasi nang mag-abiso ang staff ng opisyal gayong hindi naman inaasahang magbibigay ito ng mga pahayag dahil hindi ito araw ng kanyang schedule.

Malapit na kasi ang deadline ng mga mamamahayag kaya marami ang nagreklamong gawin na lamang ito sa ibang araw pero mapilit itong opisyal kaya walang nagawa ang mga mamamaha­yag kundi dumalo na lamang kahit medyo inis at nakasimangot ang mga ito.

Ang classic nito, wala naman palang malaking iaanunsyo ang opisyal bagkus ay mistulang pumorma lang ito.

Magaling kung sa galing ang pag-uusapan pero dahil medyo “majonda” na ang opisyal kaya medyo mabagal na rin itong magsalita.

Pinatahan niyo na. Ang opisyal ay fashionista, magaling manamit, puwedeng pambagets at puwede ring pangburol ang mga get-up nito, o gets niyo na?