Una sa Balita

Opisyal agaw-kuwarto sa Palasyo

By
0 585

KUNG mayroong ‘agaw-bahay’ ang grupong Kadamay ay mayroon ding ‘agaw-kuwarto’ sa Malacañang na ang inaagaw ay okupadong opisina.

Alam n’yo ba mga utaw na kinaiinisan ngayon itong isang opisyal ng Palasyo dahil sa pagnanais nitong agawin ang isang okupadong opisina para sa kanyang kapritso.

Naliliitan umano itong opisyal sa opisinang ibinigay sa kanya kaya gustong lumipat sa isa pang opisina na inaakala nitong mas magiging komportable siya at makakakilos siguro ng maayos.

Pero ang problema mga utaw, mayroong matagal nang nag-ookupa sa gustong puwesto kaya naman hindi pumapayag ang head ng opisinang nais i-take over ng opisyal.

Katuwiran ng Head ng inaagaw na opisina na pinaghirapan nilang pagandahin ang kanilang hindi kalakihang puwesto at unfair na bigla na lamang silang palalayasin para mapagbigyan ang kapritso nitong bagong saltang opisyal.

Ang masaklap pa nito mga utaw, tila hindi makahindi ang mas mataas na opisyal sa Palasyo dahil itong si mabisyong opisyal ay kaibigan umano ng malapit na tao kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Pintahan n’yo na. ang opisyal na ito ay hindi naman kalakihang opisyal pero lintek ang gusto, na tila ba “what he wants, he gets.”

Minsan na rin itong naging kontro­bersiyal dahil sa isang post sa Official Gazette na ikinagalit ng ilang netizens, kaya naman pansamantalang inilipat ito noon sa isa pang ahensiya ng gobyerno. May letrang R sa kanyang pangalan.