Una sa Balita

Opisina ng Kapa sinunog

0 333

Sinunog ng sampung kalalakihan ang tanggapan ng Kapa-Community Ministry International Inc. sa Brgy. Poblacion, Compostela, Cebu nitong Sabado nang madaling-araw.

Isang residente ang nagsumbong hinggil sa nasusunog na gusali at nang dumating ang mga pamatay-sunog ay nadamay na ang ikalawang gusali na pagmamay-ari ni Christopher Abad, isang high-ranking official ng Kapa sa Cebu.

Sinasabing nagsimula ang sunog sa ikalawang palapag ng main building.
Natagpuan ng mga imbestigador ang plastic canister na posibleng naglalaman ng gasolina na pinagmulan ng sunog.

Ayon sa ilang tenant ng gusali, pinasok ng hindi nakilalang kalala-kihan at kinuha ang kanilang mga cellphone saka nilimas ang cash sa vault bago sinilaban ang lugar.

Nitong Sabado, ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapasara sa kontrobersyal na ministry dahil sa umano’y pagsosolicit ng investment sa kanilang mga miyembro.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy