Una sa Balita

Operator nagulungan ng payloader truck

0 215

NASAWI ang 34-anyos na operator nang nagulugan ng payloader truck matapos na ipagkatiwala ang pagmamaneho sa isang Obrero sa Noveleta, Cavite.

Isinugod pa sa Divine Grace Medical Center ang biktimang si Joseph Rogelio, subalit namatay rin ­habang ginagamot habang ang itinurong suspek ay si Francisco Canete, 28-anyos, binata, isang obrero.

Sa ulat ni Pat. Monaem Cabugatan ng ­Noveleta ­Police Station, dakong alas-kuwatro Lunes nang hapon nang naganap ang insidente sa isang ­construction site sa bakanteng lote sa Brgy. Sta. Rosa 2, Noveleta ng naturang bayan kung saan ­minamaneho ni Canete ang nabanggit na payloader truck na may body number na WHL 33-16 na dapat ang biktima ang may hawak ng manibela.

“Masakit daw kasi ang paa, kaya ipinagkatiwala kay Canete” ayon kay Pat. Cabugatan.

Habang nagmamaneho si Canete ay sumabit na lamang umano ang biktima upang maalalayan ang una pero nalaglag at bumagsak sa gulong at hindi napansin ng suspek at nagpatuloy sa pagmamaneho.

Tumigil lamang si Canete sa pagmamaneho nang sigawan siya ng mga trabahador sa lugar.

Arestado su Canete na nasa kostudiya ng ­Noveleta Custodial Center. (Gene Adsuara)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More