Una sa Balita

Operasyon vs Sayyaf sa ARMM pinaigting

By
0 4

ZAMBOANGA CITY — Pinaigting ng militar ang operasyon nito laban sa Abu Sayyaf sa Autonomous Region in Muslim Mindanao matapos na mapatay ang 6 na miyemrbo nito sa lalawigan ng Basilan at Sulu, ngunit 11 sundalo rin ang sugatan sa nasabing labanan.

Sinabi kahapon ng Western Mindanao Command na walang humpay­ ang opensiba sa Abu Sayyaf, ngunit tikom naman ang bibig ng mga opisyal ukol sa mga dayuhang bihag ng radical na grupo. Sa Basilan ay 2 Abu Sayyaf ang napaslang at nakilala ito na sina Radzmil Jannatul at Guro Arah.

Nabawi rin ng mga sundalo ang bangkay ng dalawa at gayun din ang isang .50-caliber machine gun na naiwan ng Abu Sayyaf sa bayan ng Tipo-Tipo na kung saan ay nagsimula ang sagupaan kamakalawa.

Nailikas naman agad sa Zamboanga City ang 9 na sundalong sugatan sa labanan.

Apat na Abu Say­yaf din umano ang napatay ng mga tropa sa Barangay Langpas sa bayan ng Indanan sa Sulu at 2 sundalo ang sugatan. Nakuha rin ng mga tropa ang bangkay na apat na rebelde.

Walang balita sa 5 Malaysian tugboat crew members na dinukot kamakailan sa Sabah at dinala umano sa Basilan, gayun din sa 10 Indonesian sailors na hinila ay di-kalayuan sa Tawi-Tawi at dinala naman sa Sulu.