Una sa Balita

Operasyon ng Peryahan ng Bayan tinigil

0 278

SINUSPINDE ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang operasyon ng Peryahan ng Bayan sa bansa.

Ito ang kinumpirma­ kaha­pon ng PCSO, batay sa isang pahinang direktiba ni Gene­ral Manager Royina Marzan Garma nitong Pebrero 5, 2020.

Nabatid na naging epek­tibo ang naturang suspensiyon noon pang Pebrero 6, 2020 at inaasahang magtatagal ito hangga’t wala pang inilalabas na kautusan hinggil dito ang Office of the President.

“This is to inform the public that effective Februa­ry­ 6, 2020, the operation of PERYAHAN GAMES is suspended until further instructions from the Office of the President,” bahagi ng anunsiyo ni Garma.

Hindi naman nakasaad sa naturang anunsiyo kung ano ang dahilan ng suspensiyon.

Nabatid na Oktubre 2019 lamang nang magsimulang mag-operate ang Peryahan ng Bayan, na binigyan umano ng 15 area ngunit 11 lamang ang nag-operate.
Sa naturang tatlong huling­ buwan ng 2019, nakapagtala ang Peryahan ng Bayan ng kitang P68 mil­yon.

Inaasahan din sana ang Peryahan ng Bayan na isa sa hahakot ng kita sa mga laro ng PCSO ngayong 2020, kabilang ang Small Town Lottery (STL), at Lotto. ­(Edwin Balasa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More