Una sa Balita

Operasyon ng mga BI field office sinuspinde para mag-disinfect

0 306

Sinuspinde ng Bureau of Immigration (BI) ang ilang provincial operations sa panahon ng Semana Santa upang magsagawa ng disinfection.

Ayon kay BI Commissioner Jaime Morente, ang maliliit na field offices ng Bureau ay pansamantalang isasara “upang payagan ang mga tanggapan na ito na magsagawa ng kinakailangang disinfection kasunod ng pagkalat ng Covid-19.”

Sinabi ni Morente na ang hakbang ay protektahan ang kapwa mga tauhan ng BI at ang transacting public mula sa pagkahawa sa sakit.

Una nang inilagay ng BI sa skeletal force ang kanilang tanggapan, nang ipatupad ang enhanced community quarantine.

“This move was done after a careful study, and it will definitely not affect our operations. Most offices have zero to two transactions per day due to the quarantine, add that to the fact that most international airports have also temporarily ceased operations,” sabi ni Morente.

Nilinaw ni Morente na ang mga tanggapan na pinakamalapit sa pinatatakbong mga international airport, pati na rin ang kanilang pangunahing tanggapan sa Intramuros ay mananatiling bukas upang matugunan ang mga kagyat na usapin.

“Many of the foreign nationals who are leaving depart via sweeper flights organized by their embassies. Our key offices shall remain open to coordinate this, including our airport and seaport operations,” wika pa ni Morente. (Mina Aquino)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More