Una sa Balita

Opensa ng Lyceum pokus kina Nzeusseu, Marcelino

0 195

Team Standings:
W L
San Beda 10 0
LPU 7 3
Letran 7 3
CSB 6 3
SSC-R 6 3
Mapua 3 6
Perpetual 3 6
JRU 3 7
Arellano 2 8
EAC 1 9

Mga laro ngayon:
(FilOil Flying V Centre)
2:00pm — CSB vs SSC-R
4:00pm – Perpetual vs LPU

MANANATILING kina Mike Nzeusseu at magkapatid na Jaycee at Jayvee Marcelino kakapit ang Lyceum of the Philippines Pirates para sikwatin ang back-to-back wins pagharap nila sa Perpetual Help Altas alas-4 ng hapon sa 95th NCAA men’s basketball tournament sa FilOil Flying V Centre sa San Juan City.

Bago rito, magkakaldagan sa unang laro ang College of Saint Benilde Blazers at San Sebastian College Stags sa alas-2 ng hapon

Galing sa panalo ang Pirates nitong Martes matapos kalusin ang Arellano University Chiefs, 93-90, naging bayani sa panalo ng Intramuros-based squad sina Nzeusseu at Marcelino twins.

Ayon kay LPU head coach Topex Robinson, hindi impresibo ang kanilang panalo.

Kasalo ng LPU sa No. 2 ang Letran Knights sa parehong 7-3 kartada.

Nagtala si Nzeusseu ng 23 points habang 12 at 10 ang inambag nina Jaycee at Jayvee, ayon sa pagkakasunod.

Nasa sixth to seventh places naman ang Altas tangan ang 3-6 karta. (Elech Dawa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy