Una sa Balita

Open pit mining susunod na ipapasara ni Duterte

By
0 1,303

Pinaghahanda na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga operator ng open pit mining sa buong bansa dahil isusunod na ang pagpapasara sa operasyon ng mga ito.

Ayon sa Pangulo, hindi maganda ang tanawin sa kalawakan kapag nadaraanan niya ang mga minahan na aniya ay tila tansan at butas-butas ang kabundukan.

Sinabi ng Pangulo na peligroso sa kapaligiran ang open pit mining dahil nagiging sanhi ito ng pagguho at pagbaha na umaagos sa kabayanan.

Panahon na aniya para sumunod ang mga minero dahil matagal nang nagpasasa ang mga ito sa yamang nakukuha sa mga kabundukan at ang kapalit ay ang mala­lang pinsala at peligro sa kalikasan habang pa­nganib naman ang dala nito sa mamamayan.

“Kayong miners, prepare because I will really close the open pit. And if you guys would take a helicopter, Manila to Minda­nao, parang tansan ‘yan ng San Miguel na hindi na ginamit. At a certain height, parang ta– puro butas ‘yan. Kaya pagka nag-ulan, puno ng tubig, puno ng tubig, mag-absorb ‘yan, landslide. About time that you follow,” anang Pangulo.

Matatandaang marami ang nasawi sa pagguho at pagbaha sa nagdaang mga bagyo noong mga huling buwan ng 2017 dahil umagos ang tone-toneladang tubig ulan mula sa kabundukan dulot ng mga pagmimina at nakakalbong kagubatan.

Ang pagpapasara sa open pit mining din ang naiwang trabaho ni da­ting Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Gina Lopez bago ito naalis sa puwesto dahil nabigong makalusot ang kumpirmasyon sa Commission on Appointments.