Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Open Kitchen chess tourney

0 10

ISANG malaking karangalan na maimbitahan ni Chess Movement Chair CPA-Phd Dr. Ariel Potot sa over the board chess tournament na magaganap sa Open Kitchen, Rockwell Business Center-Sheridan, Highwayhills sa Greenfields District sa Mandaluyong City sa Enero 15 na magsisimula alas-9 ng umaga.

Ipatutupad ang 20 minutes plus 10 seconds increment rapid time control format na may total prizes P8,500 na inilatag nina Dr. Potot, Barkadahan Para sa Bansa partylist nominees Atty. Nolan Banda, Congw. Petchie Ragos, Sec. Gen. Atty Juman Paa, RiChessMasters Co. Ltd. CEO Mr. Kit Mejiliano at Mr. Teddy Cu sa pakikipagtulungan nina Ms. China Aurelio at Ms. Mimi Casas ng Open Kitchen.

Ang iba pang inimbitahang maglaro ay sina IM Angelo Young, IM Ricardo de Guzman, IM Chris Ramayrat Jr., FM Robert Suelo at 12 years old NM Ivan Travis Cu na pangangasiwaan nina FNA/NM Marlon Bernardino, NM Romeo Alcodia at Mr. Noel Jay Estacio ng Bayanihan Chess Club.

Kakauwi lang galing Kuala Lumpur, Malaysia ng isa sa mga estudiyante ni International Chess coach Alvin Gayeta Roma na si International Chess coach Enrique David.Tatlong taon na nagturo sa Malaysia si coach Enrique David, matatandaan na hindi maawat ang tandem nila sa mga team competition sa mga nagdaang panahon.

Ngayon ay nagpaplano ang magkaibigan ng isang collaboration para magtayo ng Chess Academy sa bansa natin. Subalit habang masusi nilang pinagpaplanuhan ang bagay na iyan ay busy sila ngayon sa kanilang online apps business.

Nasa Playstore po si Rainbow Game at Funny Game ang referral ID po ni coach David sa Rainbow Game ay 3131912 at ang referral ID kay Funny Game naman po ay 1353560.

At siyempre ang referral ID ng ating batikang coach Alvin sa Rainbow Game ay 244011 at sa Funny Game ay 100635.

Happy New Year po sa ating lahat.

Leave A Reply

Your email address will not be published.