Una sa Balita

Open format sa PGBDA series

0 195

GAGAMITIN ng Pilipinas Gamefowl Breeders Derby Association (PGBDA) ang open invitation format sa ‘PGBDA Stagfighter of the Year’ series na sisimulan sa September 2 sa airconditioned San Juan Coliseum.

Dalawang elimination rounds (3-stag) ang bibira sa September 2 at October 7 na puwede sa mga gamefowl breeder na may locally-banded stags ng PFGB-Digmaan at FIGBA-Bakbakan.

Sa entry fee na P12,000, lahat ng sasali sa September 2 o October 7 ay pasok na sa PGBDA Stagfighter of the Year series at 70M Pambansang Digmaan 11-Stag Derby, ani PGBDA business ma­nager William Go.

“It’s like hitting two birds with one stone,” ani Go.

Tatanggap ang 2019 PGBDA Stagfighter of the Year at runner-up ng P300,000 at P100,000 ayon sa pagkakasunod at kokoronahan sa November 11.
Tawagan lamang ang 0905-201-6057 (Michelle). (Enjel Manato)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy