Una sa Balita

Online trading scam sa Clark nabuwag, 8 Israeli, 474 Pinoy huli

By
0 987

WALONG Israeli at 474 Pinoy call center agent ang inaresto matapos na mabuwag ng Phili­ppine National Police (PNP) ang sindikato ng online trading scam na kumikita ng milyong dolyar kada araw sa Clark Freeport Zone sa Angeles City, Pampanga.

Kahapon ay iprinisinta ni PNP chief Director General Oscar Albayalde sa Camp Crame ang walong Israeli national na siyang amumuno ng online scam matapos na mahuli ang mga ito sa isinagawang raid kamakalawa ng umaga sa tatlong departamento ng International Brandings Development Marketing, Inc (IBD) sa Clark Freeport Zone.

Ayon naman kay Chief Supt. Marni Marcos Jr., hepe ng Anti Cyber Crime Group ng PNP, nag-o-operate ng call center ang mga suspek na dayuhan ng mahigit dalawa’t kalahating taon na sa nasabing lugar.

Ang modus umano ng mga suspek ay kahalintulad sa stock tra­ding scam, mag iimbita sila ng mga investor sa pamamagitan ng online at kukuha ng mga detalye sa bank account, credit card ng mga biktima na karamihan ay mga foreigner.

Ayon naman kay Albayalde, ang mga suspek na Pinoy ay nadakip habang nasa aktong nakikipagtransakyon sa mga foreign client mula sa Europe, New Zealand, Australia, South Africa at Russia.

Ang pagsalakay ay isinagawa kasunod ng reklamo ng mga biktimang Australian na nakilalang sina Jan Theresa Bedggood, Robery Wayne Smith, Juningsih Welford at South African na si Barend Nichloaas Prinsloo, na sinabing sila ay pawang nabikitma ng online scam ng grupo kung saan aabot sa $100,000 ang naloko sa bawat isa. 

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy