Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Online store niregaluhan mahihirap na pamilya

0 389

Isang online store ang nag-abot ng kanilang serbisyo hindi lang para sa mga nais bumili ng kanilang produkto, pero para rin sa pagtulong nito sa mahihirap na pamilya na apektado ng pandemic.

Sa kabila ng enhanced community quarantine binuksan ng Gising Gising PH ang kanilang online store para maipaabot ang mga produkto ng lokal na magsasaka sa mga consumer at matulungan ang mga kapuspalad.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Bida sa tindahang ito ang kanilang produkto ng mga gulay na nakalagay sa kahon. Ayon sa Facebook group ng online store, ang isang kahon na kanilang maibebenta ay katumbas din ng isang kahon na kanilang maipapamigay sa mga nangangailangan.

Binahagi nito oong July 10 na nakapag-abot na sila ng kabuang 751 kahon ng mga produkto kabilang ang naipamahagi sa Missionaries of Charity- Home of Love, at maging ang ilang residente at construction worker sa Brgy. Sto. Nino, Cainta, Rizal.

May iba’t ibang gulay ang laman ng bawat kahon na pwedeng pagpilian sa online store na ito. Ang bawat isa ay nagkakahalaga naman ng P650 pataas depende sa dami, at inaasahang ide-deliver na diretso sa bahay ng mga costumer sa Metro Manila at ilang kapalit na probinsya.

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.