Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Online shop niransak

0 15

Sinimot ng tatlong kawatan ang laman at pera ng isang online shop sa Malabon City, kahapon.

Kwento ng witness na si Julius Silva, 18, alas-5:00 ng umaga nang mamataan niya ang tatlong lalaki na bumaba ng tricycle sa tapat ng online shop sa Barangay Tonsuya, na pag-aari ni Ranalyn Neri, 28.

Nilagare daw ng mga ito ang kandado ng pintuan at pinagkukuha ang laman pati mga alak at P15,000 cash saka mabilis na nagsitakas sakay ng tricycle.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Lingid sa mga suspek, itinimbre ito ni Silva sa mga pulis at barangay.

Nakorner ang driver ng tricycle na si Wilfredo Arias, 28, construction worker.

Nakatakas naman ang dalawa niyang kasamahan na sina Dindo Vilela, 38 at isang alyas John. (Orlan Linde)

Leave A Reply

Your email address will not be published.