Una sa Balita

Online sex trafficker sa Taguig timbog

By
0 569

LAGLAG sa kamay ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang isang babaeng wanted sa kasong ‘online sex trafficking’ kung saan ginagamit at ibinibenta ang malalaswang larawan ng mga bata at video ng mga bata sa mga parok­yanong banyaga kamakalawa sa Taguig City.

Base sa ulat na ipinadala sa tanggapan ni Chief Supt. Amador Corpuz, hepe ng CIDG, dakong alas-sais nang gabi kamakalawa nang madakip ng mga tauhan ng CIDG-Major Crimes Investigation Unit (MCIU) ang suspek na si Ma. Lorena Regalona, alyas Rhea, nasa wastong gulang sa No. 27, Gumamela Street, Brgy. Wawa ng nasabing lungsod.

Inaresto ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Byron San Pedro ng Taguig City Regional Trial Court (RTC) Branch 69.

Si Regalona ay halos isang taon nang nagtatago sa batas matapos na makasuhan sa korte.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy