Una sa Balita

Online seller ng nakaw na laptop timbog

0 283

NALAMBAT sa isinagawang entrapment operation ng Mandaluyong Police ang isang 36-anyos na la­laki matapos magbenta online ng isang nakaw na laptop sa biktimang ninakawan ng laptop at nagkasundong magkita sa isang mall sa Mandaluyong City, Sabado nang gabi.

Kinilala ang suspek na si Moamar Moctar, 36, na nahaharap sa kasong paglabag sa PD 1612 o Anti-Fencing Law.

Ayon sa biktima na si Mark John Salazar, 32, nakipagtransaksyon siya sa suspek alas-7:45, Sabado nang gabi, sa isang mall dahil interesado siya sa ibinebenta ng suspek na alienware laptop dahil katulad ito ng dati niyang gamit.

Nagkakahalaga ng P110,000 ang laptop at ibi­nebenta ng second hand sa presyong P 57,000.

Nabatid na nagkaroon ng interes ang biktima sa alienware laptop na ibinebenta online ng suspek dahil nawawala umano ang kanyang katulad na laptop.

Agad nakipag-ugnayan ang biktima sa Mandaluyong police para mahuli ang suspek na kung saan nakumpirma na sa kanya ang laptop dahil sa service tag number sa kanyang Dell account. (Vick Aquino)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More