Una sa Balita

Online seller ng droga laglag sa buy-bust

0 321

KALABOSO ang dalawang tulak ng iligal na droga na gumagamit pa umano ng social media para sa mga transaksyon nito makaraang maikasa ang buy-bust opera­tion sa Caloocan City, kamakalawa.

Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act ang mga suspek na sina Rommel Verdejo, 26-anyos, at Jetlyn Joseu, 23, kapwa residente ng Brgy. 118 ng lungsod.

“High tech itong mga suspek kasi sa chat ‘yung kanilang operation kaya hindi disimulado,” ani Northern Police District (NPD) Director Brig. Gen. Ronaldo Ylagan.

Alas-3:30 nang hapon nang magkasa ng operasyon sa Brgy. 120. Isang underco­ver na pulis ang umiskor ng P7,000 shabu sa mga suspek, nang makuha na ang iligal na droga, dito na pinaligiran ng mga operatiba ang mga suspek.

Nakuha sa kanila ang 12 plastic sachet na may lamang shabu na nasa 60 gramo at market value na P408,000, pati na ang buy-bust mo­ney. (Orlan Linde)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy