Una sa Balita

Online seller, 3 kasabwat huli sa entrapment

0 359

LAGLAG sa mga operatiba ang apat na taong sangkot sa pagnanakaw at pagbebenta ng motorsiklo sa social media, matapos ikasa ang entrapment operation sa Sta. Maria, Bulacan kamakalawa.

Arestado sina Jubert Rosales, 26-anyos; magkapatid na sina Jonas at Ronaldo; gayundin si Jerico Parayray, 25, pawang residente ng Barangay San Vicente.

Isinagawa ang ope­rasyon alas-9:30 nang gabi sa Barangay Poblacion, kung saan target si Rosales na nabatid na nagbebenta umano ng karnap na motorsiklo.

Hindi na ito nakapalag nang makumpiska ang isang Honda RS 125 na iniulat na nawawala noong Nobyembre 6, 2019 makaraang tanga­yin sa Barangay Pulong Buhangin at ibinenta ng suspek sa underco­ver agent sa halagang P10,000.

Matapos mahuli, itinuro ng suspek ang kanyang mga kasamahan kaya naaresto ang tatlong iba pa alas-2:50 kahapon nang mada­ling-araw.

Narekober sa mga ito ang walong hindi rehistradong motorsiklo kabilang ang isang dilaw na Yamaha MIO na nawala noon pang Oktub­re 22 at nadiskubreng ibibenta na online.

Nakapiit na ngayon ang mga suspek at nahaharap sa mga kasong paglabag sa RA 1088 Anti-Carnapping Lawat PD1612 o Anti Fencing Law sa Provincial Prosecutors Office sa Malolos City. (Jun Borlongan)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy