Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Online Kumustahan biyaheng Visayas: Lacson-Sotto pinupulsuhan mga Pinoy

0 134

Pagpokus sa pangunahing pangangailangan at prayoridad na mula mismo sa mga komunidad at iba’t ibang sektor ng lipunan ang patuloy na gagawin nina Partido Reporma chairman at standard-bearer Panfilo ‘Ping’ Lacson at running mate niya na si Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III.

Ito ang binigyang-diin ni Lacson sa kanilang pakikipagpulong ng ka-tandem sa mga lider at kinatawan ng iba’t ibang samahan ng mga tsuper at operator ng mga pampublikong transportasyon nakaraang linggo.

“Kami po ni Senate President, ‘pag kami kumonsulta, kinukuha namin talaga ‘yung nasa kalooban o [kung] ano ‘yung input na ibinigay ng kinokonsulta. Kinonsulta, pinakinggan, pasok sa isang tenga, labas sa kabilang tai­nga. Hindi po dapat ganoon,” aniya pa.

Para sa batikang lingkod-bayan, mahalaga ang pagkakaroon ng mga dayalogo sa iba’t ibang sektor dahil dito magkakaroon ng koneksiyon ang mga proyekto ng gobyerno na tugma sa tunay nilang mga pangangaila­ngan.

Samantala, nakatakdang dayuhin ng tambalang Lacson-Sotto ang iba’t ibang probinsya sa Visayas para sa kanilang lingguhang ‘Online Kumustahan’ at iba pang mga aktibidad kasama pa rin ang kanilang mga senatoriable.

Leave A Reply

Your email address will not be published.