Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Online bentahan ng boga talamak; pabrika nasilat

0 10

ONLINE na ang bentahan ng mga losse firearms o mga armas.

Ito ang ibinunyag ni Philippine National Police (PNP) Chief Police General Guillermo Lorenzo Eleazar sabay hikayat sa Anti-Cybercrime Group (ACG) na agad nang imbestigahan ang ganitong mga kalakaran.

Lumabas sa inisyal na imbestigasyon ng PNP na libo-libong disassembled parts ng mga armas at ammunition ang nadiskubre sa warehouse sa Bulacan na handang ma-reassemble ng private armed groups.

Ayon kay Eleazar, online ang bentahan nito na ang disassembled parts ay police at military-issued items.

“In our aggressive campaign against loose firearms as part of the early security preparations for the 2022 elections, we are not discounting the possibility that some gun-running syndicates are using the online platforms for their illegal activities,” sinabi ni Eleazar.

“Dahil dito, inatasan ko na ang ating Intelligence Group at ang Anti-Cybercrime group na lalong palakasin ang information-gathering at monitoring sa modus na ito,” dagdag nito.

Karamihan sa mga armas na parts na kinumpiska sa warehouse sa Bulacan ay mga caliber .50 at M16 rifles. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.