Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

One Hospital bahala sa mga ‘di ma-admit

0 27

Pinayuhan ng Malacañang ang mga pasyenteng nais magpaospital na tumawag muna sa One Hospital Command Center para hindi masayang ang kanilang panahon kapag hindi agad ma-admit sa ospital.

Kasunod ito ng viral video ng isang pasyente na sa loob na lamang kotse ginamot at ipinakita ang oxygen dahil puno na ang pinuntahang hospital.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na ang One Hospital Command Center ang tutulong kung saang pagamutan dapat pumunta o kaya ay i-refer sa mga ospital sa mga karatig na probinsya.

“Makatutulong po kung tatawag kayo sa One Hospital Command Center kasi ‘pag tumawag kayo doon, sasabihin nila kung saan kayo puwedeng pumunta,” ani Roque.(Aileen Taliping)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.