Una sa Balita

‘Onanay’ nagbibigay inspirasyon sa mga maliliit

By
0 564

abante-talbog-joe-barramedaHindi na nakapagtataka na patuloy ang pamamayagpag ng GMA primetime series na Onanay dahil hindi lang good vibes ang hatid ng lead star ng programa na si Jo Berry bilang si Onay.

Umaapaw rin na ins­pirasyon ang ibinibigay niya sa mga tulad niyang minamaliit dahil sa kanyang kondisyon.

Talagang pinatutunayan niyang hindi hadlang ang pisikal na anyo para ipamalas ang kanilang abilidad at mamuhay nang normal.

Ngunit ngayong wala na si Elvin (Adrian Alandy)­ at hindi pa nahahanap si Maila (Mikee Quintos), paano na ang ating bida? Tutok lang gabi-gabi sa Onanay!