Una sa Balita

Omiping, PNP kumatok sa finals

By
0 421

Mga laro sa ­Linggo:
(Pasig City Sports Center)
3 pm – NHA vs AFP
4:30 pm – Senate vs PNP

ISANG panalo na lang at muli na namang maghaharap sa isang title showdown ang Armed Forces of the Philippines Cavaliers at Philippine National Police Responders matapos nitong pabagsakin ang kani-kanilang kalaban sa semis ng 7th UNTV Cup nitong weekend sa Pasig City Sports Center. 

Sumandal ang top-seeded na Cavaliers kay Jerry Lumongsod para itakas ang 78-76 na panalo kontra National Housing Authority Builders sa opener ng best-of-three semis.

Binandera ng Res­ponders sina Ollan Omi­ping at Jerry Boy Saracho na umariba sa payoff ­period para tulungan ang kanilang tropa na alpasan ang Senate ­Defenders, 79-74.

Maaaring muling magharap sa isang kapana-panabik na Finals ang AFP at PNP kung muli silang makakasikwat ng panalo sa Game 2 ng kanilang semis match.

Ang mapipiling cha­rity ng champion team ay makakatanggap ng P4 million na premyo habang ang runner-up naman ay makakakuha ng P2 million. 

Pinangunahan ni da­ting University of the East player Omiping ang PNP nang ibandera ang 28-15 run na agarang nagpa-angat sa tropa, 59-51, sa third canto. 

Pumoste ng 27 puntos si Omiping kabilang ang 11 sa fourth quarter, kasama ang pitong boards at isang assist habang si Saracho naman ay may walong puntos. 

Naging bayani ng AFP si Lumongsod nang maitabla nito sa 76 ang laro mula sa dalawang free throw nito sa huling 14 na segundo ng laro at na­selyuhan nito ang laro sa free throws ni Alvin Vitug.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy