Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Omicron subvariant tumaas hawaan sa Western Visayas — DOH

0 146

Binabantayan ngayon ng Department of Health (DOH) ang sitwasyon sa Western Visayas matapos makapagtala ng 46 na kaso ng COVID-19 mula sa Omicron subvariant.

Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire na inaalam na nila ngayon kung saan nagmula ang nakitang subvariant dahil sa biglang pagtaas ng mga kaso.

“Nagkaroon tayo ng detection ng around 46 Omicron subvariants sa Western Visayas. Inaalam natin kung ano talaga ‘yung pinaka-exposure ng mga tao kung bakit talagang biglang nagkaroon ng ganitong pagtaas,” ani Vergeire.

Bagama’t sa National Capital Region unang nakita ang mga subvariant, hindi aniya inaasahan na nakarating agad ito sa Western Visayas.

Posible aniyang nakadagdag sa mabilis na kontaminasyon ang malaya ng pagkilos ng mga tao, maluwag na pagbiyahe at mababang bilang ng nagpa-booster shot habang ang iba ay pasaway sa minumum public health standards. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.