Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Omicron nanganganak pa

0 209

Nilinaw ni Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III na hindi lamang dalawa o tatlo ang sub-lineage ng Omicron variant kundi marami pa itong spike na madidiskubre.

“Ang Omicron ay notorious sa mutation may mga mutation naman na hindi masama, hindi lamang ang BA 1 and 2 sub-lineage, marami ang sub-Omicron pero ang ugnayan nito pagdating sa pasyente ay mild lang,” ayon kay Duque.

Nabatid na ang BA.3 sub-lineage ay galing sa mother variant ng Omicron na siyang nanganganak ng mga bagong variant.

“Parang pintuan `yan ang susi doon siya papasok sa cell para magpa-multiply, kaya kailangan talaga ay magpabakuna para may proteksiyon,” ani Duque.

Kinumpirma naman ni Duque na 75% ng mga sample na sinailalim sa genome sequencing ay BA.2 Omicron na nakita sa karamihan ng mga returning Filipino pero nakita rin umano sa Bicol region. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.