Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Omicron may local transmission na

0 209

Inanunsyo ni acting Presidential Spokesman Karlo Nograles na may tatlong local case na ng Omicron variant sa bansa.

Ayon sa Department of Health (DOH) ang mga local case ay nakita sa mga na-sequence na 48 samples noong Biyernes kung saan dalawang pasyente ay mula sa Bicol Region, isang 27-anyos na babae at isang 46-anyos na babae habang ang pangatlo ay isang 42-anyos na lalaki mula sa Metro Manila.

Lahat ng nasabing pasyente ay nakarekober na ngunit hinahanap pa ang kanilang mga close contact.

Samantala, pito pang imported case ng Omicron ang na-detect — anim ang Returning Overseas Filipinos habang isa ang Malaysian national. (Issa Santiago)

Leave A Reply

Your email address will not be published.