Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Omicron gumapang na rin sa US, Norway, Middle East

0 150

May naitala nang unang kaso ng Omicron variant ng COVID-19 ang Estados Unidos.

Ayon sa US Centers for Disease and Prevention (CDC), ang bakunadong biyaherong mula sa South Africa ay dumating sa California noong Nobyembre 22.

Inaalam pa nila kung naturukan na ito ng booster shots.

Sa ngayon ay naka-quarantine na ito at nagsasagawa na ang US CDC ng contact tracing sa kanyang mga nakasalamuha.

Samantala, inanunsiyo na rin ng United Arab Emirates (UAE) at Saudi Arabia sa Middle East na mayroon na silang naitalang unang kaso ng COVID-19.

Ayon sa mga health officials ng UAE, isang babaeng African galing sa Africa ang dumating sa UAE.

Isa namang Saudi national ang bumiyahe rin sa North African country ang nagpositibo rin sa bagong

variant.

Habang natukoy naman ng Norway ang una rin nilang dalawang kaso sa west coast municipality ng Oeygarden.

Sinabi ni Oeygarden mayor Tom Georg na nahawaan ang dalawa sa biyahe nila sa South Africa.

Leave A Reply

Your email address will not be published.