Una sa Balita

Ombudsman pasok sa DPWH, balae scam

0 662

INTERESADO na rin ang Ombudsman na panghimasukan ang kalkalan ng flood control scam na kumakaladkad kina Budget Secretary Benjamin Diokno, umano’y mga balae at ilang opisyal at tauhan ng Department of Public Works and Highway (DPWH).

Inihayag ni House Majority Leader at Camarines Sur Rep. Rolando Andaya Jr., na gusto ng mga field investigator ng Ombudsman na simulan na ang sariling pag-iimbestiga sa isyu.

Nakipag-ugnayan na aniya ang mga imbestigador ng Ombudsman sa House committee on rules.

Humihirit na umano ang mga imbestigador ng mga kopya ng ­naging testimonya, mga dokumento at iba pang ebidensiya na natipon ng komite sa isinagawang public hearing sa Naga City kamakailan.

“Apparently, the Office of the Ombudsman has noticed red flags of corruption on the evidence presented and on the testimonies made during the hearing. We have seen these red flags of corruption ourselves, and we are sure that these will not evade the eagle eyes of the country’s graftbusters,” pahayag ni Andaya.

Binigyang-diin ng House Majority Leader na ang mga testimonya na inilahad ng mga resource person sa public hearing ay under oath.

“We have elicited a number of candid remarks from those we subpoenaed, including the owner of C.T. Leoncio Construction and field officials of the DPWH in Bicol. May mga ilang isyu pa silang tinatago at ayaw aminin pero alam na natin ang mga ito batay sa mga dokumentong hawak namin. Alam namin kung sino ang nagsisinungaling at sino ang hindi,” batay pa kay Andaya.

Sa pagpasok ng Ombudsman sa imbestigasyon ay mas lalo pa umanong ginanahan si Andaya na hukayin nang husto ang flood control scam na kinakasangkutan gayundin ang mga kuwestiyo­nableng diskarte sa pambansang pondo sa ilalim ni Diokno.

“We may have opened a Pandora’s Box. We will not stop digging for the truth,” giit ni Andaya.

Tumanggi naman si Ombudsman Samuel Martires na kumpirmahin na iniimbestigahan na ng Ombudsman ang flood control scam na una nang inuugnay ng Kamara kay DBM Sec. Diokno.

“I neither confirm nor deny that the so called ‘flood control scam’ is under investigation. It must be remembered that investigation conducted by the Field Investigation Office of the Office of the Ombudsman are highly confidential in nature,” nakasaad sa statement ni Martires. (Aries Cano/Tina Mendoza

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy