Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Ombudsman binasbasan ng SC sa SALN pasilip

0 175

Ibinasura ng Supreme Court (SC) ang petisyon na kumukuwestiyon sa Ombudsman na naglilimita sa publiko na magkaroon ng access sa statements of assets, liabilities and net worth (SALN) ng isang opisyal ng gobyerno.

Ayon sa resolusyon ng SC en banc, ang pag-access sa SALN ng opisyal ng gobyerno ay isang karapatan ng publiko pero hindi ito katumbas ng “absolute vested right”.

“The Court has declared in the past that while no prohibition could stand against access to official records such as the SALN, the same is undoubtedly subject to regulation,” nakasaad sa resolusyon ng SC na may petsang Pebrero 2 pero ngayon lang inilabas sa publiko.

Iginiit pa ng SC na ang Ombudsman bilang custodian ng data ay hindi nakagapos para pagbigyan ang request sa disclosure sa kada pagkakataon para mapigilan na ma-damage o mawala ang dokumento.

Nauna rito ay hiniling ng petitioner na si Louis Biraogo, sa SC noong nakalipas na Disyembre na magpalabas ng preliminary injunction at temporary restraining order kaugnay sa memo ni Ombudsman Samuel Martires sa SALN. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.