Una sa Balita

Omar Maute kinukumpirma kung patay na

0 67

Kasalukuyang ina­alam ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang ulat hinggil sa umano’y pagkakapatay sa isa sa Maute brothers na si Omarkhayam Maute.

Ito ay matapos iha­yag na malaki ang paniniwala ni AFP chief of staff General Eduardo Año na patay na si Omar matapos ang pakikipag­laban sa Marawi City pero ang kapatid nito na si Abdullah ay buhay pa umano kasama si Isnilon Hapilon, ang kinikilalang lider ng Islamic State sa Southeast Asia.

Ayon kay East Mindanao Command Brig. Gen. Gapay, patuloy nang inaalam at sinusuri ang mga bangkay na narekober sa bakbakan para matukoy ang pagkakilanlan sa mga ito at matiyak kung kabilang dito si Omar Maute.

Bukod kay Omar, bineberipika rin ang posibleng pagkamatay na rin ng Malaysian terrorist na si Mamud Akhmad sa gitna ng bakbakan sa Marawi.

Kasalukuyan pa rin ang ginagawang beripikasyon ng AFP sa nasabing impormasyon. 

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy