Una sa Balita

Olympic torch relay tuloy pa rin sa Japan

0 423

TULOY ang Olympic torch relay sa Japan ngayong linggo sa kabila ng banta ng coronavirus disease (COVID-19).

Higit 50,000 pa rin umano ang pumila noong Sabado para makita ang flame sa Sendai station sa Miyagi, bahagi ng ‘Recovery Olympics’ na magpapakita ng pagbangon ng rehiyon mula sa 2011 earthquake, tsunami at nuclear meltdown.

Pumila pa rin nang ilang oras ang mga tao para lang makita ang flame.

Naka-mask ang karamihan habang pinipiktyuran o nagpapa-picture sa cherry blossom-shaped cauldron.

Hindi pa rin nagbabago ang desisyon ng IOC at Tokyo 2020 organizing committee na ituloy ang Games sa July 24.

Iniulat ng The Japan Times na pakakawalan ang relay sa Fukushima Prefecture sa Huwebes.

Pagkatapos nito, ilalakbay ng 10,000 runners ang torch patawid sa 859 municipalities ng 47 Japanese prefectures sa loob g 121 days hanggang makabalik ng Tokyo sa July para sa opening ceremonies.

Unang sinabi ng organizers na dinisenyo ang ruta para masigurong madaling mapupuntahan ng mga tao.

Noong isang linggo, inihayag ni Tokyo 2020 Organizing Committee CEO Toshiro Muto na wala nang stage events at isasara sa publiko ang arrival and departure ceremonies pagdaan ng torch relay sa Fukushima, Tochigi at Gunma prefectures. (VE)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More