Una sa Balita

Olympic slot papadyakin ni Dormitorio

0 211

ASAM ng Asian at Philippine Mountain bike champion rider na si Ariana Dormitorio na makamit ang kambal na tagumpay bago matapos ang taon.

Ito ay dahil asam ng magandang 22-anyos na si Dormitorio na masungkit ang awtomatikong silya sa 2020 Tok­yo Olympics sa pagsabak nito sa Asian Mountain Bike Continental Championship sa Lebanon, bago nito kumpletuhin ang 2019 sa paghahangad sa gintong medalya sa una nitong paglahok sa 30th Southeast Asian Games na iho-host ng Pilipinas simula Nobyembre 30 hanggang Disyembe 11.

“This will be a very crucial year because all of the things that we’ve really worked hard for, eto na ‘yun. Eto na ‘yung final stretch to get there. We’re really looking forward to the Olympic qualifying, and especially din sa SEA Games kasi it’s going to be the first in my whole career,” sabi ni Dormitorio sa una nitong pagdalo sa Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum Martes sa Amelie Hotel-Manila.
Unang prayoridad nito ang Olympic qualifier sa Lebanon na gaganapin sa Hulyo 25-28. (Lito Oredo)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy